Kinilala ang nadakip na si PO2 Alejandro Hernandez, nakatalaga sa Regional Personnel Holding Accounting Unit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
File Photo
Parak timbog sa shabu sa checkpoint
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis, na dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD)  ang nadakip nang makuhanan ito ng  tatlong pakete ng shabu sa isang checkpoint,  kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Kinilala ang nadakip na si PO2 Alejandro Hernandez,  nakatalaga sa Regional Personnel Holding Accounting Unit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ayon kay Las Piñas City chief of police,  Sr. Supt. Simnard Gran, naganap ang insidente alas-5:30 kahapon ng umaga sa Brgy. Almanza Uno ng naturang lungsod habang nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa naturang barangay. Namataan nila ang suspect na nagmamaneho ng motorsiklo na walang suot na helmet maging ang lalaking angkas nito.

Dahil dito,  kaya’t pinara ito ng mga pulis at nang kanilang rebisahin ay nakita sa pulis ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu at  tactical knife at maging ang backrider nito na hindi na nabanggit ang pangalan ay nakuhanan din ng shabu.

Napag-alaman din na si Hernandez ay dating nakadestino sa MPD ay  dati na ring nasangkot sa  droga, kung kaya’t iniwan siya ng kanyang misis  na isa ring pulis. 

Kahapon ay iniharap ni Chief Supt. Eliseo Cruz, Director ng Southern  Police District (SPD) si PO2  Hernandez kay NCRPO Director Guillermo Eleazar.

MANILA POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with