^

Metro

3 karnaper laglag sa entrapment

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Valenzuela City Police at Manila Police District (MPD) ang tatlong hinihinalang karnaper makaraang mabuko ang tangka nilang pagsanla sa ninakaw na motorsiklo sa pamamagitan ng Facebook, kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nadakip na sina John Kristopher Banzagales, 30; John Paul Malena at Edmark Dumagas, 26.  Pinaghahanap naman ang isa pa nilang kasama na si alyas Patrick Chua.

Sa ulat ng Valenzuela Police, alas-7 ng gabi nitong Marso 17 nang mawala ang isang Mio type scooter na pag-aari ni Efren Boncodin nang iwan niyang nakaparada sa tapat ng kanyang bahay sa E. Miranda Street, Brgy. Paso de Blas, ng naturang lungsod.  Agad na ipinaalarma ito ng biktima sa Anti-Carnapping Unit.

Marso 20 nang sabihan si Boncodin ng kasamahan niya sa kanilang riders club na nakita niya ang scooter na nawawala sa isang buy and sell group sa Facebook.  Isang lalaki ang kanyang nakausap at inalok siya na isanla ang scooter sa halagang P8,000 lamang at matatagpuan ang behikulo sa Sampaloc, Maynila.  Kinausap ng asawa ng biktima na si Margie ang lalaking nagsasanla at ikinasa ang transaksyon.

Iniulat ito ni Boncodin sa Valenzuela City Police na nakipag­koordinasyon naman sa Manila Police District (MPD). Sa ikinasang follow-up operation, narekober ng mga pulis ang ninakaw na scooter dakong alas-8:30 ng gabi sa Balic-Balic, Sampaloc, Maynila habang naaresto si Malena.

Makaraan ang pagkakarekober sa scooter, isang lalaki ang tumawag kay Margie at nais makipagkita upang makipag-ayos umano sa kasong carnapping.  Nakipagkita naman si Boncodin at Margie. Dito dinakip ng mga pulis ang mga suspek na sina Banzagales at Dumagas.  Isa pang operasyon ang ikinasa sa Brgy. Lingunan, Valenzuela ngunit bigo na madakip ang suspek na si Chua.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

VALENZUELA CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with