Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire protection (BFP) nabatid na ang sunog ay nagsimula ala-1:30 ng hapon kung saan nasa isang libong pamilya ang nawalan ng tahanan sa Block 5, Bgy. Damayang Lagi sa E. Rodriguez sa lungsod.
Boy Santos
1,000 pamilya nasunugan sa QC
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 1,000 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa Brgy. Damayang Lagi  sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire protection (BFP) nabatid na ang sunog ay nagsimula ala-1:30 ng hapon kung saan nasa isang libong pamilya ang nawalan ng tahanan sa    Block 5, Bgy. Damayang Lagi sa E. Rodriguez sa lungsod. 

Inilagay sa pinakamataas na alarma ang sunog na general alarm dahil dikit-dikit at pawang gawa lamang sa light material ang mga kabahayan.

Lahat ng available fire truck ng BFP sa Metro Manila ay nagresponde na sa sunog para maapula ang apoy pero sadyang nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa mainit na panahon at may kalakasan ang hangin sa lugar.

Mahina rin ang pressure ng tubig sa mga fire hydrant na nasa paligid ng kinaganapan ng sunog kaya nahirapan ang mga bumbero na patayin ang apoy.

Hindi pa batid ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog na sinasabing nagsimula sa ikatlong palapag ng isang residente sa lugar. 

Alas-5 ng hapon idi­nek­larang fire out ang sunog.

BUREAU OF FIRE PROTECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with