^

Metro

Tren ng MRT-3, nag-apoy at umusok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tren ng MRT-3, nag-apoy at umusok
IpinaIiwanag ng pamunuan ng MRT-3 na matapos ang pagsusuring isinagawa sa nasirang tren, natuklasan ng kanilang mga technicians, na ‘short circuit’ sa high voltage wire ng traction motor nito ang naging dahilan nang pag-apoy at pag-usok ng tren, na nagdulot ng tensyon sa kanilang mga pasahero.

MANILA, Philippines — Takot na takot at nagmamadaling nagsibaba sa ng sinasakyan nilang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang may 645 na pasahero makaraang mag-apoy at umusok ang ilalim nito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

IpinaIiwanag  ng pamunuan ng MRT-3 na matapos ang pagsusuring isinagawa sa nasirang tren, natuklasan ng kanilang mga technicians, na ‘short circuit’ sa high voltage wire ng traction motor nito ang naging dahilan nang pag-apoy at pag-usok ng tren, na nagdulot ng tensyon sa kanilang mga pasahero.

“Yun traction motor ng ating tren, ‘yung kanyang contactor ay nagdikit. That cause the high voltage wire to trip,” ani Engr. Mike Capati, director for operations ng DOTR-MRT3. 

Aniya, na-detect naman kaagad ng driver ang problema ng tren kaya’t inihinto niya ito upang mapababa at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Naganap ang insidente dakong ala-6:02 ng gabi sa intersection ng Araneta-Cubao at Santolan, sanhi upang pababain ang may 645 pasahero nito, na napilitang maglakad sa riles ng tren, patungong istasyon.

Ayon kay Capati, kung kakayanin ay nais sana nilang sa istasyon ihinto ang nasirang tren para hindi mahirapan ang kanilang mga pasahero, ngunit kung talagang mapanganib ay wala silang magagawa kundi ihinto ito sa gitna ng riles.

Nagtagal ng kalahating oras o ala-6:35 ng gabi nang maibalik ang traction ng tren at kaagad itong dinala sa pocket track sa Shaw Boulevard station at maibalik sa normal ang operasyon ng linya ng tren.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with