^

Metro

Contractor inaresto sa korte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa kasong estafa ang isang umano’y contractor habang dumadalo sa pagdinig sa Manila City Hall, kamakalawa ng umaga.

Sinabi ni P/Major Rolando Armendez, hepe ng MPD-Warrant and Subpoena Section, na inaresto si Brad Boie Peter Cheung sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Janet Abergos- Samar, ng National Capital Judicial Region Branch 219, Quezon City.

Si Cheung, ay ina­resto sa loob ng Manila City Hall bandang alas-10 ng umaga ng Lunes.

Gayunman, nakapaglagak ng P48,000 piyansa si Cheung para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Base sa tala ng korte, inireklamo ng mag-asawang Dennis at Ma. Christine Villanueva, si Cheung sa kasong estafa matapos hindi tapusin ang paggawa ng kanilang bahay.

Sa reklamo ng mga Villanueva, lumagda ng kasunduan si Cheung noong Nobyembre 28, 2015, na gagawin ang bahay nila sa Vista Real Classica Subdivision, Brgy. Commonwealth, QC na nagkakah­alaga ng mahigit P6.5 milyon. Nakabayad ang mag-asawa ng halagang mahigit P5 milyon noong April 21, 2017 subalit nanati­ling hindi tapos ang kanilang bahay. Base pa sa reklamo ng mag-asawa, overpriced ang mga materyales na ginamit ni Cheung sa pagtatayo ng kanilang hindi natapos na bahay.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with