^

Metro

2 La Salle student huli sa P1.5-million party drugs

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2  La Salle student huli sa P1.5-million party drugs
Iprinisinta ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang milyong halaga ng party drugs na nasamsam sa dalawang La Salle student sa isinagawang raid sa isang condominium sa Makati.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kapwa natimbog ng pu­lisya ang dalawang grad­ua­ting student ng De La Salle University matapos makum­piskahan  ang mga ito ng  P1.5 milyon ng iba’t- ibang uri ng party drugs sa isinagawang operasyon sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Adriel Ryo­ichi Temporosa Suzuki, 24, isang Fil-Japanese, naninirahan sa Unit Dela Rosa Condominium, Dela Rosa St., Brgy. Pio Del Pilar Makati City at  Ralph Jeffrey Esteban, 23 ng BF Homes Almanza, Las Piñas City.

Sa isinumiteng report ni Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police kay Eleazar, alas-7:00  kahapon ng umaga nang kanilang salakayin ang unit ni Suzuki sa Dela Rosa Condominium, Dela Rosa St., Brgy. Pio Del Pilar ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Simon, kumuha ng serbisyo ng isang Grab Express (Angkas Padala) driver si Suzuki upang ipa-deliver ang isang maliit na kahon (package) sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City, na kahina-hinala ang laman.

Nang tanungin ng ‘Grab Angkas Padala’ driver na si Claus Sabadera kung ano ang laman ng kahon na ipapadala, tumangging sabihin  ito ni Suzuki.

Nagduda si Sabadera sa nilalaman ng nasabing padala, hanggang sa dalhin niya ito sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP)-3 ng Makati City Police.

Nang buksan ni Senior Inspector Jay Ar Fajardo ang naturang package dito na tumambad na naglalaman ng ibat-ibang uri ng “party drugs” o ecstasy.

Dahil dito agad na nagsagawa ng follow-up ope­ration ang mga pulis at  ni-raid nila ang 7th Floor ng naturang condominium.

Naabutan ng mga pulis si Suzuki na kung saan nasamsam dito ang mahigit sa 1000 pirasong party drugs, reduce cocaine, shabu at drug paraphernalias, ilang pirasong Japanese yen, mga LDS  at di pa mabatid na halaga ng pera.

Inamin naman ni Suzuki na karamihan niyang parokyano o customer ay pawang mga estudyante ng nasabing paaralan.

Para hindi aniya  halata sa kanilang paaralan ang mga nasabing drogang nabibili sa kanya ay nilalagay nito sa kaha ng sigarilyo.

Aminado naman ang mga suspek na nagbebenta sila ng ecstasy kapag may bumibili sa kanila,  ngunit iginiit nila sa mga pulis  na  for consumption lang umano nila ito.

Ayon naman kay ­Eleazar, maituturing aniya na malaking sindikato  ang ganito karaming droga na karamihan mga estudyante ang parokyano.

vuukle comment

CRIME

GUILLERMO ELEAZAR

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with