^

Metro

Kababaihan sa Quezon City, suportado ni Joy Belmonte para kumita

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kababaihan sa Quezon City, suportado ni Joy Belmonte para kumita
Masayang ipinakita ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga makina na maaaring pagkunan ng pagkakakitaan ng mga kababaihan ng Greater Lagro sa lungsod. Kasama sa larawan sina Rep. Alfred Vargas, Councilor Gian Sotto at ang mga representative ng DTI at Spark, gayundin ng barangay officials.

MANILA, Philippines — Suportado ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para kumita ang mga kababaihan ng lungsod gamit ang sarili nilang kakayahan sa ilalim ng Shared Service Facility (SSF) Project sa Brgy. Greater Lagro QC.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) at Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran (SPARK), nagkaroon ng equipment sharing facility ang mga kababaihang negosyante sa naturang barangay  para sa libreng training, product development, at iba pang technical assistance.

Ang programa ay tutulong sa mga kababaihan na makahanap ng paraan nang pagkukunan ng ikabubuhay para sa kanilang mga pamilya.

“Again the message is clear—we have to empower the women economically. Konektado ito sa ating adbokasiya na bigyan ng pagkakataon ang kababaihan na kumita ng sarili nilang pera.  Maraming kababaihan ang nagsasabi sa akin na may problema sila at gusto nang umalis at lumaya sa isang mapang-aping pagsasama pero wala silang pagkakakitaan. Wala silang pagsasanay, wala silang puhunan, walang pangsuporta sa kanilang sarili para bumukod sa kanilang mga asawa kaya sila ay nagtitiis na lang,” pahayag ni Belmonte.

Binigyang diin nito na handa siyang magkaloob ng lahat ng technical skills na kailangan ng mga kababaihan upang magkaroon ng pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.

Mahigit 20 unit ng mga makina sa pananahi ang ipagkakaloob sa women micro-entrepreneurs ng Brgy. Greater Lagro kabilang na ang edging machine, round cloth cutting machine, walking foot machine, embroidery sewing machine at iba pa kasama si Congressman Alfred Vargas na nanguna sa proyektong ito.

Nangako rin si Belmonte na pagtutuunan ng pansin ang pagtatatag ng mas maraming equipment sharing facility sa lungsod kung mabibigyan ng pagkakataong maluklok bilang alkalde ng lungsod sa darating na eleksyon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with