^

Metro

Coliform level sa Manila Bay, patuloy sa pagbaba

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Coliform level sa Manila Bay,  patuloy sa pagbaba
Bilang pagtugon sa layunin ng pamahalaan na muling maibalik ang dating gayak ng Manila Bay, nakibahagi ang mga volunteers ng “Friends of Rodrigo Duterte” (FORD) sa isinagawang clean up kahapon sa isang bahagi ng look sa Baseco sa Tondo, Maynila.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy pang buma­baba ang fecal coliform level sa Manila Bay, kasunod ng rehabilitation efforts ng pamahalaan para maisalba ang dagat.

Sa isang presscon sa Maynila, inanunsyo ni DENR Secretary Roy Cimatu na nakatulong nang malaki ang pagpapasara sa ilang mga pribadong establisiyimento malapit sa Manila Bay, gayundin ang pagsasara ng Manila Zoo na nadiskubreng walang sariling sewage treatment plant kaya diretso sa estero ang dumi nito na tumutuloy naman sa Manila Bay.

Sa monitoring ng DENR hanggang noong isang linggo, malaki na ang naging improvement ng kalidad ng tubig sa dagat dahil sa mas mababang coliform content.

Pero binigyang diin ng kagawaran na hindi pa rin ito pasok sa standard na 100 Most Probable Number (MPN) para sa recreational activities gaya ng swimming at diving.

Sa pinakahuling laboratory analysis, sa area ng Padre Faura, ang dating 54-million MPN fecal coliform level ay bumaba na sa 8.3-million MPN.

Ang dating 1.33-billion Most Probable Number sa area ng Antonio de Abad ay nasa 130-Million MPN na lang.

Sa area ng Remedios, o sa tapat ng Aristocrat, ang dating 160-million MPN ay bumaba na sa 25.5-M MPN.

Kumpiyansa ang DENR na patuloy pang bababa ang coliform level sa Manila Bay sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng dagat.

vuukle comment

MANILA BAY

ROY CIMATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with