^

Metro

Pateros fire: Paslit tustado, 2 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang bata habang dalawa ang nasugatan nang sumiklab ang isang sunog sa isang residential area sa bayan ng Pateros, noong Sabado ng tanghali.

Habang isinusulat ito, patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng bangkay ng batang narekober ng mga bumbero habang inisyal na nakilala ang mga sugatan na sina Mike Angelo Poncio, 23 at ang lolong si Alfredo Maglolo, 73-anyos.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, alas-11:45 ng Sabado ng tanghali nang sumiklab ang apoy buhat sa isang bahay sa No. 82 M. Lozada St., Brgy. Sto. Niño-Kanluran, sa naturang lungsod.

Agad na kumalat ang apoy sa mga kabahayan kung saan umabot sa 30 bahay ang tuluyang natupok. 

Tinataya ng mga imbestigador na aabot sa P.7-milyon ang kabuuang halaga ng ari-arian ang naabo ng sunog.

Ala-1:10 na ng hapon nang magdeklara ng fire-out ang mga bumbero.

Sa isinagawang mopping operation, dito tumambad ang natustang bangkay ng isang bata na agad na dinala ng mga bumbero sa pune­rarya para sa kaukulang awtopsiya.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga arson investigators upang mabatid ang pinagmulan ng apoy at malaman kung may makakasuhan sa insidente.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with