Lady guard nahulihan  ng baril sa MRT, kalaboso
Lady guard nahulihan ng baril sa MRT, kalaboso
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang pasaherong lady guard ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong mahulihan ng baril habang ini-inspection ito sa loob ng  Metro Rail Transit (MRT) EDSA-Taft Avenue Station sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Nasa custody ngayon ng Pasay City Police ang suspek na si Emelyn Batocabe Zapra, at posibleng maharap sa kasong illegal possession of firearms at Omnibus Election Ban.

Lumalabas sa report ng pulisya, naganap ang insidente alas-7:35 kahapon ng umaga sa MRT-EDSA-Taft Station sa nabanggit na lungsod.

Nakapasok na si Zapra ng MRT at nang dumaan sa x-ray machine ang kanyang backpack ay malinaw na nakita ng  naka-duty na guwardya ng MRT na si  Michael Mendez ang  isang  .9mm pistol, na may walong bala at nakabalot sa plastic.

Ayon kay Zapra, nagulat daw siya nang i-hold siya ng mga  guwardya ng  MRT  at sabihing may dala siyang baril, kung kaya’t todo-tanggi ito  sa inaakusa sa kanya.

Paliwanag ng suspek,  matapos ang kanyang duty ng alas-6:00  kahapon ng umaga ay nagtanggal siya ng uniporme at mga gamit sa kanilang comfort room sa airport at nailagay  niya sa kanyang bag pack  ang  kanyang service firearm.

Katwiran pa  ni Zapra, nakalimutan niyang alisin mula   sa loob ng kanyang bag pack ang nasabing kalibre, na ginagamit niya ito  kapag naka-duty siya dahil na rin sa sobrang pagod at puyat mula sa 12-oras na pagtratrabaho nito.

Nagmamadali na aniya siyang makauwi,  dahil bukod sa kukunin pa niya ang kanyang sweldo sa Quezon Avenue ay maysakit pa ang kanyang asawa.

Sa  nakuhang mga ID sa suspek, nabatid, na isa itong lady guard ng Advance Forces Security and Investigation Services Inc., na nakatalaga sa NAIA Terminal 3 at kaagad  itong dinala sa himpilan ng Pasay City Police.

METRO RAIL TRANSIT NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with