Nakakulong na ngayon sa Parañaque City Police detention facility at nahaharap sa kasong sexual abuse ang suspect na si Nelson Balmores, 31, at nakatira sa Gk El Dorado Dulo, Brgy. Don Bosco ng nabanggit na siyudad.
File Photo
4 totoy, pinagdroga saka minolestiya
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Halos ma-trauma ang apat na binatilyo na pawang mga grade 8 at 9  students matapos silang utusang bumili ng droga at ipagamit sa kanila saka molestiyahin ng pa­ngulo ng isang asosas­yon ng persons with disabilities (PWDs)  noong Lunes sa Pa­rañaque City.

Nakakulong na ngayon sa  Parañaque City Police detention facility at nahaharap sa kasong sexual abuse ang suspect na si Nelson Balmores, 31, at  nakatira sa  Gk El Dorado Dulo, Brgy. Don Bosco ng nabanggit na siyudad.

Sa salaysay sa mga pulis ng mga biktima, inutusan umano silang apat ng suspect na bumili ng droga at sapilitan itong ipina­gamit  sa kanila.

Pagkatapos ay pinaglaruan umano ng suspect ang kanilang ari at saka na pinagbantaan na papatayin sila kapag nagsumbong sa kanilang mga magulang.

Dahil sa sinapit ay ipinagtapat ng mga binatilyo sa kanilang mga magulang ang nangyari na nagharap nang sumbong sa pulisya.

Sa follow-up ope­ration ng mga kagawad ng Parañaque City Police, dinakip nila ang suspect na si Balmores.

SEXUAL ABUSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with