Nakilala ang nasawi na si Gerardo Devilla, 51-anyos, residente ng Gabriel St. Brgy. Hulong Duhat, ng naturang lungsod.
Andy G . Zapata Jr.
Jeepney driver tinodas ng pasahero sa Malabon City
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang buhay na na­lugmok sa manibela ang isang jeepney driver nang barilin sa ulo buhat sa likuran ng isa sa tatlong lalaki na nagpanggap na pasahero, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Gerardo Devilla, 51-anyos, residente ng Gabriel St. Brgy. Hulong Duhat, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police, alas-8:15 kamaka­lawa ng gabi ipinapasada ng biktima ang kanyang pampasaherong jeepney (TVL-848) sa kahabaan ng Gov. Pascual, Brgy. Acacia nang sumakay ang tatlong pasahero na nakaupo sa likuran ng biktima.

Agad na naglabas ng baril ang isa sa mga suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, 5’3 ang taas, nasa 30-35 ang edad at may dalang sling bag at saka dalawang beses na pinaputukan sa ulo ang biktima.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Brgy. Tugatog habang naiwang duguan at walang buhay ang biktima.

Blangko naman ang pulisya sa motibo sa pamamaslang sa biktima at walang kakilalang kagalit.

CRIME HOMICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with