2 hepe ng EPD sinibak sa pwesto
Mer Layson, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2019 - 12:00am

Sa pakikipagbarilan ng 2 tauhan sa PDEA

MANILA, Philippines —  Sinibak sa puwesto ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba dahil sa command res­ponsibility, ang mga hepe ng dalawang pulis na nakipagbarilan sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug buy-bust operation sa Pasig City noong Biyernes ng gabi.

Ang pagsibak ni Balba kina P/Chief Insp. Abraham Satorre, hepe ng District Special Ope­rations Unit (DSOU) ng EPD at P/Insp. Edward Olmedo, commander ng Police Community Precinct 9 (PCP-9) ng Pasig City Police, ay kasunod na rin ng kautusan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/Director Guillermo Lorenzo Eleazar.

Si Satorre ay pinalitan sa puwesto ni P/Chief Insp. Darwin Guerrero habang si P/Senior Insp. Mario Benito naman ang magiging officer-in-charge (OIC) ng PCP-9 ng Pasig Police.

Nabatid na ipinag-utos ni Eleazar ang pagsibak sa mga naturang hepe ng pulis nang makipagbarilan at maaresto ang kanilang mga tauhan sa ikinasang anti-drug-buy-bust operation ng PDEA sa isang gasoline station sa Brgy. Buting, Pasig City noong hapon ng Pebrero 22.

Una nang ni-relieve sa puwesto ang mga naturang pulis na sina PO2 Marlou Roldan, ng PCP-9 at PO3 Mark Vista ng EPD-DSOU. Bukod sa kanila, isang sibilyan din ang naaresto at nakilalang si Raymond Ryan Cruz na siyang target ng operasyon.

Si PO2 Roldan ay nagtamo ng sugat at kaagad na nadakip saka isinugod sa pagamutan, habang si PO3 Vista naman ay nagawa pang makatakas kahit sugatan, ngunit naaresto rin naman nang matunton habang nagpapagamot sa Rizal Medical Center.

EASTERN POLICE DISTRICT PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with