^

Metro

Briton nagtangkang magpuslit ng 2 TV sa supermarket, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Briton nagtangkang magpuslit  ng 2 TV sa supermarket, kalaboso

MANILA, Philippines — Sa selda ang bagsak ng isang British national matapos magtangkang ipuslit sa isang kilalang supermarket sa Makati City ang dalawang unit ng telebisyon nang hindi binayaran, kamakalawa ng gabi.

Himas-rehas na ngayon ang suspek na si Michael Byres, 32-anyos, at may address sa Bunks Makati, No. 6001 Kalayaan Ave. corner Makiling St., Brgy. Olympia, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Makati City Police, dakong alas-9:50 ng gabi nang arestuhin si Byres ng security guard ng supermarket sa may Brgy. Olympia habang bitbit ang dalawang set ng flat screen na telebisyon.

Ayon sa guwardiya, napansin niya ang dayuhan na padaan sa exit ng supermarket na kanyang sinita.  Nang hanapan ng resibo ng dala niyang mga telebisyon ay wala itong maipakita.

Nangatwiran pa umano ang dayuhan na naiwanan lamang niya ang pera niya at handa namang bayaran ang mga items ngunit humingi na ng responde ang security ng supermarket at inaresto ang Briton.

Nakaditine ngayon sa Makati City Police detention center ang dayuhan na nahaharap sa kasong Theft (Shoplifting).

vuukle comment

THIEF ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with