^

Metro

Main building ng Customs nasunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Main building ng Customs nasunog
Umabot pa ng alas-7:10 ng umaga kahapon bago naideklarang fire-out ang sunog sa BOC, na nagsimula alas-9:00 ng gabi kamakalawa, ayon sa ulat ni Fire Senior Supt Jonas Silvano.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasunog ang main building ng Bureau of Customs (BOC)  sa Gate 3, 16th Street, South Harbor, Port Area na inabot ng mahigit sampung oras habang kasunod na nasunog din ang isang residential area sa Parola Compound, sa Tondo, kamakalawa ng gabi.

Umabot pa ng alas-7:10 ng umaga kahapon bago naideklarang fire-out ang sunog sa BOC, na nagsimula alas-9:00 ng gabi kamakalawa, ayon sa ulat ni Fire Senior Supt Jonas Silvano.

Wala namang nasaktan at nasugatan sa insidente bagamat pinangangambahan ang pagka-abo ng mga mahahalagang dokumento.

Sumiklab umano ang apoy sa ikatlong palapag at gumapang sa ikalawang palapag.

Patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat sa sanhi ng sunog.

Habang abala naman ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy sa BOC, sa di kalayuan sa lugar ay sumiklab ang panibagong sunog sa Area A,  Balon,  Pier 2, Gate 1, Parola Compound, Tondo,  Maynila, dakong alas-10:45 ng  gabi.

Nasa mahigit-kumulang sa 300 kabahayan na pawang yari sa light materials ang naabo bago idineklarang fire-out alas-3:44 ng madaling araw, kahapon.

Wala ring nasawi o nasaktan sa nasabing sunog na patuloy pang inaalam kung ano ang naging sanhi.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with