^

Metro

Paglaban sa krimen mas paiigtingin-NCRPO chief

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Paglaban sa krimen mas paiigtingin-NCRPO chief
Ipinunto ni Eleazar, na sa kabila ng bumaba ang crime rate, inaasahan aniya ang “fluctuations”.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa kabila ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na nasa 1.8 milyong pamilyang Pinoy ang nabiktima ng mga common crimes nitong nakalipas na  anim na  buwan,  sinabi kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na bumaba ang  crime rate  sa Metro Manila.

Ipinunto ni Eleazar, na sa kabila ng bumaba ang crime rate, inaasahan aniya ang  “fluctuations”.

“Ang trend natin ay pagbaba ng krimen. ‘Yun pong pag-fluctuate basically expected po ‘yan”, ani Eleazar

Giniit nito, sa loob ng  30 buwan ng Duterte administration, bumababa aniya sa  54 porsiyento ang  crime rate  kumpara aniya sa 30-buwan ng Aquino administration.

Ang pahayag ni Eleazar at bunsod sa lumabas na SWS survey,  na sa 1.8 million  o  7.6 posiyentong pamilyang Pinoy ay nabiktima ng mga common crimes nitong nakaraang anim na buwan.

Ang tinutukoy ditong mga common crimes ay ang pandurukot o robbery of personal property, break-ins, car theft at  physical violence.

Tiniyak naman ni Eleazar, na mas lalu pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra kriminalidad lalu na ang giyera kontra droga.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with