^

Metro

Metro Mayors survey inilabas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mga datihan, mga ba­tang kandidato at mga eksperyensadong lider ang nais ng mga botante na ihalal sa nalalapit na May 2019 mayoralty race sa Metro Manila.

Ito ang lumitaw sa kanilang February 1-10, 2019 non-commissioned survey na nilahukan ng may 2, 500 respondents sa iba’t- ibang bahagi ng Metro Manila na isinagawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc).

 Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMDinc, base sa survey nais ng karamihan na manatili  ng isa pang termino sa posisyon ang mga re-electionists na sina Abigail Binay (70%) ng Makati City; Edwin Olivarez (43%) ng Parañaque City; Imelda Aguilar (68%) ng Las Piñas City; Jaime Fresnedi (65%) ng Muntinlupa City at Miguel Ponce III (55%) ng Pateros.

 Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, ang top choice para sa pagka-alkalde sa lungsod  matapos na makakuha ng 72 percent laban kay Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo na may 18 percent lamang.

 Sa Taguig City, si Ex-Rep. Lino Cayetano, hipag ni incumbent Mayor Lani Cayetano ay nakakuha ng 75 percent laban kay Taguig-Pateros Rep. Arnel Cerafica na may 17 percent lamang.

 Si Pasig City Mayor Robert Eusebio na isa ring reelectionist, ang nanguna sa survey matapos na makakuha ng 75 percent laban kay Vico Sotto, anak ni TV host Vic Sotto na may 21 percent.

 Si dating Manila Vice Mayor Isko Moreno ay nakakuha ng 45 percent, laban kina incumbent Mayor Joseph Estrada na may 26 percent lamang at dating Mayor Alfredo Lim na may 24 percent, sa isang three-corner fight.

 Ang iba pang nanguna sa May 2019 candidates for Mayor sa Metro Manila, base sa survey ng RPMDinc ay sina Toby Tiangco (56%) ng Navotas City; Oscar Malapitan (90%) ng Caloocan City; Rex Gatchalian (95%) ng Valenzuela City; Francis Zamora (48%) ng San Juan; Carmelita Abalos (86%) ng Mandaluyong City; Antolin “Lenlen” Oreta III (52%) ng Malabon City.

Sinabi ni Dr. Paul Martinez ng RPMDinc, patuloy silang magsasagawa ng mga independent surveys na tinatawag na “Halalan 2019 NCR Survey” para sa May 2019 elections.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with