^

Metro

Mag-asawang testigo sa kaso, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa harap ng anak

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng nag-iisang gunman ang mag-asawa sa harap ng kanilang 11-anyos na anak sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Albine Nervar, tricycle driver, at misis niyang si Nemia, kapwa 40-taong gulang, at nakatira sa Dhalia Street, Brgy. 177 Camarin, ng natu­rang lungsod.

Agad na tumakas ang nag-iisang salarin na naka­suot ng berdeng long sleeves na damit, itim na pantalon, nakasumbrero  at may bitbit na itim na sling bag.

Sa ulat ng Caloocan City Police, sinabi ng batang babae na anak ng mga biktima na naglalaro siya sa tapat ng kanilang bahay dakong alas-8:30 ng gabi nang dumating ang salarin at bumili pa ng sigarilyo sa kanilang tindahan.

Umalis ang salarin ngunit muling bumalik at nakiusap na sindihan ang kanyang sigarilyo.  Nang binuksan ni Albine ang pinto ng kanilang bahay para sindihan ang sigarilyo, biglang pumasok sa loob ang salarin at sunud-sunod na pinaputukan ang mga biktima na nasaksihan ng kanilang anak.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, wala silang kilalang kaaway ng mag-asawang Nervar at wala ring alam na posibleng dahilan para paslangin sila, maliban umano sa testigo ang mag-asawa sa naganap na pagpaslang sa kapatid ni Nemia noong nakaraang Nobyembre.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with