Kinilala ni PNP –Anti Kidnapping Group (AKG) Director P/Chief Supt. Glenn Dumlao ang nasagip na biktima na si Jianting Chen na sangkot sa loan shark sa mga casino na naghahanap ng mga turistang nais magsugal sa bansa.
File Photo
Kinidnap na Australiano nasagip: 4 kidnaper, tiklo
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matagumpay na nailigtas ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang dinukot na Australian  national na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa apat na kidnaper sa operasyon sa lungsod ng Makati kamakalawa, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni PNP –Anti Kidnapping Group (AKG) Director P/Chief Supt. Glenn Dumlao ang nasagip na biktima  na si Jianting Chen  na sangkot sa loan shark sa mga casino  na naghahanap ng mga turistang nais magsugal sa bansa.

“He went to the Philippines and he was befriended by the suspects,” pahayag ni Dumlao matapos na masagip ang bihag nitong Miyerkules  ng hapon.

 Ang mga nasakoteng suspect ay nakilala namang sina You Hua, 30; Zhao Ping Zheng, 29; Hao Meng Zheng, 35 at  Xue Zhao, 23 -anyos na babaeng Chinese.

 Sinabi ni Dumlao na ang biktima ay dinukot dahilan sa may utang itong pera sa mga suspect na miyembro ng ‘Chinese loan sharks syndicate’.

 Ang mga kidnapper ay humihingi umano ng P200,000 Ren Min Bi, ang opisyal na salapi ng China kapalit ng kalayaan ng dayuhan.

 Samantalang nagbanta pa umano ang mga kidnappers na puputulan ng daliri ang biktima kapag hindi  naibigay ang kanilang demand pero nagawang makatawag nito sa isang kaibigan sa Hong Kong na siya namang kumontak sa mga awtoridad sa Australya.

 Ito naman ang nagparating sa mga awtoridad na nagsagawa ng operasyon.

ANTI KIDNAPPING GROUP PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with