Iprinisinta ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang may isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P6.8 million kung saan apat na big time drug dealer ang nalambat sa isinagawang follow-up operation sa Taguig City.
Kuha ni Miguel de Guzman
4 ‘big time drug dealer’, huli sa P6.8-M shabu
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na sinasabing ‘big time drug dealer’ ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy bust operation sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni QCPD Dir. P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr ang mga suspek na sina Abel Dagadas, 34; Larrylyn Azada, 29; Usay Uting, 49 at Jacqueline Dapitan, 52 na pawang residente ng Sampaloc St. Brgy. Central Signal Village, Taguig City.  

Ang apat ay nadakip dakong alas-4:20 ng hapon sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng anti-drug operatives ng QCPD Station 7 na pinamumunuan ni P/Supt .Giovanni Hycenth Caliao.

Ayon kay Caliao, ang apat ay ‹ikinanta› ng dalawang drug pusher na una nilang nadakip sa Brgy. Culiat Quezon City  na nakuhanan nila ng P680-K na halaga ng droga.

Ikinanta ng mga ito   ang ‹source› na kinukuhanan nila ng droga na si Dagadas kaya isinagawa ang follow -up operation sa Sampaloc St. Brgy. Central Signal Village, Taguig City na nagresulta ng pagkakadakip ng apat.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit isang kilong ‹high grade shabu› na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, P10,000 buy bust money, digital weighing scale at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.

Sa ngayon ay inihahanda na ang pagsasampa sa kasong drug pushing laban sa apat na ngayon ay nakakulong sa QCPD detention facility. (Lordeth Bonilla)

QUEZON CITY POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with