Ayon kay  DOTr Sec. Arthur Tugade, ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto ay isasagawa sa darating na Miyerkules, (Pebrero  27).
Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto ay isasagawa sa darating na Miyerkules, (Pebrero 27).
Geremy Pintolo
Metro Manila subway, sisimulan na!- DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na sisimulan na ang P355.6 billion Metro Manila Subway Project.

Ayon kay  DOTr Sec. Arthur Tugade, ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto ay isasagawa sa darating na Miyerkules, (Pebrero  27).

Ang proyekto ay kapapalooban ng 15 istasyon mula sa Quirino Highway hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Parañaque City.

Sinabi ni Tugade, magiging inisyal na ‹operational› bago matapos ang taong 2022 ay ang mga istasyon ng Quirino Highway,   North Avenue Station at Tandang Sora Subway Station.

Anang kalihim, nasa 120,000 na pasahero ang kapasidad araw-araw ang maseserbisyuhan ng tatlong subway station.

Tinukoy pa ng kalihim, ang iba pang istasyon na kinabibilangan sa Mindanao Avenue, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan, Ortigas North, Ortigas South, Kalayaan, Bonifacio Global City, Cayetano Boulevard, Food Terminal Inc. at Ninoy Aquino International Airport.

 Una nang inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang proyekto na may 25-kilometer.

Target ng DOTr na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 ay tapos at ‹fully operational› na ang subway project.

Maging ang rehabilitasyon ng PNR service ay sisimulan na rin ngayong taon  at inaasahang matatapos sa 2022.

ARTHUR TUGADE DEPARTMENT OF TRANSPORTATION METRO MANILA SUBWAY PROJECT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with