SUV vs jeep: 8 sugatan
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walo katao ang sugatan matapos magsalpukan ang isang sport utility vehicle (SUV) at public utility jeep  (PUJ), kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa San Juan De Dios Hospital ang mga  sugatang biktima na  sina Amron Ambug; Mark Anthony Jebulan; Leo Matt Alcaraz; Ariel Ocenado; Jana Doquillo; Alfonso Balago-On; driver ng Toyota Rav 4 na si Marionne Angelo Ocampo at at tsuper ng jeep na si Kenneth Acedo Managan.

Ayon kay traffic investigator SPO3 Ricky Murillo, ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-6:00 kahapon ng umaga sa panulukan ng Macapagal Boulevard at EDSA Extension ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na galing ng EDSA Taft ang pampasaherong jeep, na minamaneho ni Managan papuntang MOA, habang galing naman sa Macapagal Boulevard Northbound ang SUV (RAV4).

Pagsapit ng intersection ay hindi  nakontrol  ng driver ng SUV ang preno ng kanyang sasakyan dahilan upang masalpok nito ang PUJ.

Dahil sa lakas nang pagkakabangga, tumagilid pakanan ang  PUJ, na nagresulta nang pagkakasugat ng  mga biktima na kaagad na isinugod ng rescue team sa nabanggit na ospital.

Nahaharap si Ocampo sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury at damage to property.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with