Optometrist inutas sa loob ng clinic
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Utas ang isang 47-anyos na optometrist nang barilin ng isang nagpanggap na kostumer sa loob ng optical shop sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktmang si Carlos Lalaguna, negos­yante at may-ari ng Optical Clinic Shop sa Quezon Boulevard, Quiapo at residente ng Road 2, Old Balara, Tandang Sora Avenue, Quezon City.

Inilarawan ang nakatakas na gunman sa edad na 40- 45, 5’6 ang taas, katamtaman ang panga­ngatawan, nakasuot ng itim na t-shirt, itim na short pants, bull cap na kulay brown, brown na tsinelas at slipper at nakasuot din ng  surgical mask.

Sa ulat ni PO2 Julius Dela Cruz, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa loob ng klinika ng biktima.

Inakala umano na kos­tumer lang ang gunman nang pumasok ito at nagpanggap na naghihintay lang sa kaniyang asawa bago mamili ng salamin nang biglang paputukan ng baril ang biktima na nakatalikod at may kinukuha sa display cabinet.

Humandusay ang biktima na duguan kaya isinugod sa nasabing pagamutan kung saan idineklarang dead on arrival.

Patuloy pa ang imbestigasyon para sa pagkilanlan ng suspek at sa motibo sa krimen.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with