^

Metro

MRT-3 tumirik: 450 pasahero pinababa ng tren

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3 tumirik: 450 pasahero pinababa ng tren
Walang nagawa ang 450 pasahero kundi bumaba ng bagon matapos silang abisuhan ng pamunuan ng MRT-3 dahil nagkaroon ng problema ang motor ng tren.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinababa ng tren ang may 450 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) makaraang tumirik ang bi­yahe nito, kahapon ng tanghali.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong alas-12:48 ng tanghali nang magkaroon ng electrical failure ang isang bagon ng MRT-3 sa Southbound area ng Quezon Avenue station.

Walang nagawa ang 450 pasahero kundi bumaba ng bagon matapos silang abisuhan ng pamunuan ng MRT-3  dahil nagkaroon ng problema ang motor ng tren.

Naabala ng 14 na minuto at naghintay na lamang sa susunod na bagon ang mga apektadong pasahero patungo sa kani-kanilang mga destinasyon.Hinatak naman pabalik sa MRT-3 depot sa North Avenue, Quezon City ang tumirik na bagon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with