^

Metro

5 pang warrant of arrest, isinilbi sa dayuhang pari

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
5 pang warrant of arrest, isinilbi sa dayuhang pari
Mismong si NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang nagsilbi ng limang warrant of arrest sa Amerikanong pari na si Father Kenneth Pius Hendricks kaugnay sa mga kaso nang pangmomolestiya sa may 50 katao, karamihan ay mga sakristan.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isang paring Amerikano ang sinilbihan ng limang  warrant of arrest ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kahapon  habang nakakulong ito sa Bureau of Immigration Detention Cell sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Alas-11:00 kahapon ng umaga ay personal na inihain ni  NCRPO Director Guillermo Eleazar ang  limang warrant of arrest laban kay Father Kenneth Pius Hendricks, na nakulong noon pang Disyembre 5, 2018 sa nabanggit na detention cell.

Ang nabanggit na mga warrant of arrest ay inisyu ni Acting Presiding Judge Constantino F. Esber, ng Eight Judicial Regional Trial Court (RTC) Branch 16,  Naval, Biliran  dahil sa mga kasong Acts of Lasciviousness (In Relation to sec 5-b,   Republic Act 7610  o Child Abuse).

Ipinatupad  ito ng pinagsanib na pwersa ng Regional Special Operations Unit (RSOU)-NCRPO, Bureau of Immigration Fugitive Search Unit at ng  US Department of Homeland Security.

Lumalabas sa rekord na ang naturang akusado ay isang Franciscan priest, ay nang-molestiya ng mahigit  50 katao, na karamihan  ay mga sakristan,  na nasa  edad- 7-anyos.

Nabatid na  si Hendricks mula sa Cincinnati, Ohio, USA  ay dumating sa Pilipinas noong 1968, na naordinahan bilang pari sa Franciscan Order at nag-practice ng kanyang bokasyon sa Saint Isidore the Worker Chapel sa Talustosan Village, lalawigan ng  Biliran.

Matatandaan, na si Hendricks ay inaresto ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit nitong nakaraang Disyembre 5, 2018  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Stephanie Bowman, US magistrate judge ng US District Court,  distrito ng  Ohio noong Nobyembre 11, 2018 dahil sa kasong “engaging in illicit sex with a minor” sa ibang bansa na may parusang 30-taong pagkakulong.

vuukle comment

KENNETH PIUS HENDRICKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with