^

Metro

P10 pasahe sa jeep, giit ibalik

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P10 pasahe sa jeep, giit ibalik
Ito ay ayon kay Zeny Maranan, Pangulo ng Fejodap ay dahil nagkaroon na naman ng sunud-sunod na dagdag presyo ng petroleum products sa merkado.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mula sa kasalukuyang P9  minimum fare sa mga pampasaherong jeep, iginigiit ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP)  na maibalik muli sa P10 ang minimum fare sa lahat ng passenger jeep sa Metro Manila.

Ito ay ayon kay  Zeny Maranan, Pangulo ng Fejodap ay dahil nagkaroon na naman ng sunud-sunod na dagdag presyo ng petroleum products sa merkado.

Anya, mas mabilis naman ang proseso  kung ibabalik sa P10 ang minimum na pasahe sa jeep dahil hindi na kailangang idaan pa sa hearing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil ang kasalukuyang  P9 minimum fare  sa passenger jeep ay provisional increase lamang o hindi na idinaan sa LTFRB hearing ang naging desisyon dito  ng ahensiya.

Magugunitang, inutos ng LTFRB noong November 2018 na  pansamantalang ibalik sa P9 ang minimum na pasahe sa mga jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4  matapos itaas sa P10 ang minimum fare noon dahil bumaba ulit ang presyuhan ng petroleum products sa merkado.

 Sinasabi naman ng LTFRB na dapat maghain ng petisyon ang transport group sa ahensiya upang kanilang mapag-aralan at madesisyunan ito.

Gayunman, nilinaw ng ahensiya na dapat ay umabot ulit sa mahigit P46 ang halaga ng kada litro ng diesel bago nila aksyunan ang hiling na fare hike.

vuukle comment

MINIMUM JEEPNEY FARE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with