^

Metro

2 sasakyan ni Sen. JV, nadamay sa sunog sa auto shop

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2 sasakyan ni Sen. JV,  nadamay sa sunog sa auto shop
Nasunog ang mga mamahaling kotse at ilang SUV kabilang ang kay Senator Jayvee Ejercito sa naganap na sunog sa isang auto shop na matatagpuan sa Edsa, Brgy. Wack wack Mandaluyong City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dalawang sasakyan na pagmamay-ari ng reelectionist na si Senator Joseph Victor ‘JV’ Ejercito,  kabilang ang isang sports utility vehicle (SUV) at ang kanyang itinuturing na ‘lucky car’, ang nadamay at natupok sa sunog na sumiklab sa isang auto shop sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.

 Mismong ang senador ang nagkumpirma  na ang kanyang 10-taong Toyota Sequioa, ay nadamay sa sunog na sumiklab sa Autoplus Car Center  sa EDSA malapit sa Connecticut St., Brgy. Wack-wack dakong alas-11:35 ng umaga.

 “I feel sad, my car for the past 10 years, my Toyota Sequioa burned in the fire at Autoplus Car Center this morning,” tweet pa ng senador.

 “Feeling sentimental because we’ve been through so many battles and it was my most reliable, not to mention ‘lucky’ car. Will be missing this car,” aniya pa.

 Bukod naman sa naturang sasakyan, iniulat ring napinsala rin sa sunog ang isa pang Ford Everest ng senador.

 Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot lamang naman ng ikalawang alarma ang sunog, na naidekla­rang under control dakong alas-11:56 ng umaga.

 Idineklara ito ni Mandaluyong BFP F/Supt. Cristine Cula na fireout dakong alas-12:38 ng tanghali. 

Maliban naman sa pagkasunog ng mga high-end o mamahaling sasakyan, ay wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog.

 Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

vuukle comment

JOSEPH VICTOR ‘JV’ EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with