Trader kinidnap, natagpuang patay
Marc Jason Cayabyab (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 49-anyos na negosyante ang natagpuang patay sa loob ng pag-aari nitong sasakyan matapos kidnapin ng tatlong ‘di pa natutukoy na salarin sa Tala, sa lungsod ng Caloocan.

Ang biktima na natagpuang wala nang buhay sa likurang bahagi ng kanyang Isuzu Crosswind Sportivo na pinaniniwalaang pinatay sa papamagitan ng suffocation ay kinilalang si Camar Tampla.

Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima na si Esnaira sa Caloocan Police, nitong nakaraang Huwebes matapos na makumpuni ang nasira nilang sasakyan sa kahabaan ng Quirino Highway sa naturang lungsod ay biglang sumulpot ang mga suspek at sapilitang sumakay sa kanilang sasakyan.

Dito ay pinababa si Esnaira habang naiwan ang kanyang mister sa loob ng sasakyan at mabilis na tumakas.

Makalipas ang dalawang araw, isang tip ang natanggap ng mga pulisya hinggil sa isang inabandonang sasakyan sa Brixton Ville na nagresulta sa pagkakatuklas sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso bagaman nang siyasatin ang naturang sasakyan ay napag-alaman na walang anumang gamit o pag-aari ng biktima ang nawawala rito.

CRIME KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with