5 tiklo sa gun running at droga sa Navotas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Sa kalabosa ang bagsak ng limang sinasabing miyembro ng isang sindikato ng gunrunners at ‘tulak’ din umano ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa kuta ng mga ito sa Navotas City, kama­kalawa ng gabi.

Ang mga nadakip na supek ay sina Jun-Jun Malapit, alyas “Tegie”, 34; Cesar Ybas, 39; Rodolfo Santos, 26; Mark Anthony Basilio, 29; at Mean Dojenas, 22-anyos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang ikasa ng NPD-District Special Operations Unit at Navotas City Police ang isang buy-bust operation sa isang bahay sa may Blk 28 Area 1, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya buhat sa kanilang impormante ukol sa pagbebenta ng iligal na baril ng suspek na si Malapit. Dito nagkasa ng buy-bust ang pulisya gamit ang isa nilang tauhan na tumayong buyer.

Nagawang makapasok sa bahay na ginagawang kuta ni Malapit ang poseur buyer kasama ang kanilang impormante at nakabili ng isang kalibre .38 baril kapalit ng boodle marked money.

Habang nasa transaksyon, napansin ng pulis ang ilang lalaki na abala naman sa pagre-repack ng shabu sa maliliit na plastic sachet kaya nagbigay na siya ng signal para sumalakay ang mga nakaantabay na kasamahang pulis.

Hindi na nakapalag ang limang suspek nang mapaligiran ng mga pulis at maposasan. Bukod sa nabiling baril na may tatlong bala, nakumpiska rin ng mga pulis ang limang maliit na plastic sachet na naglalaman ng shabu at maliit na timbangan.

BUY-BUST OPERATION GUN RUNNING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with