^

Metro

Diversionary tactics ng sindikato, nabuko ng PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinututukan ngayon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang diversionary tactics ng mga sindikato ng droga bunsod sa pagkakadiskubre ng kalahating bilyong halaga ng cocaine sa mga coastlines ng Surigao del Norte at Dinagat Islands kamakailan.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, posibleng modus operandi lamang ng mga sindikato ang pagtatapon ng cocaine sa dagat upang ilipat ang atensiyon doon ng mga drug enforcers, at makapagpasok sila ng mas malaking shipment ng shabu sa bansa.

Sa kasalukuyan aniya ay nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang international counterparts upang i-monitor at makumpirma kung diversionary tactics nga lamang ito.

 “Inilalaglag nila ng mga sindikato intentionally, but here comes a bigger shipment of shabu sa ibang lugar para lahat ng focus ng law enforcement agencies and law enforcers ay doon sa search and retrieval,” ani Aquino.

Hindi pa rin naman iniaalis ng PDEA ang posibilidad na nangangahulugan ito na ginagamit ng mga drug syndicates ang Pilipinas bilang transhipment point.

 “Shipside smuggling na they will throw these blocks of cocaine in high seas then kukunin ito ng mga maliliit na mga vessels,” ani Aquino.

Matatandaang may 40 bloke ng cocaine ang nadiskubre sa dalampasigan ng San Isidro, Siargao, Surigao del Norte habang 37 bloke naman ng cocaine ang nadiskubre sa pampangin ng Dinagat islands.

Sa kabuuan umano ang kabuuang halaga ng 77 bloke ng cocaine ay tinatayang aabot sa kalahating bilyong piso.

vuukle comment

AARON AQUINO

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with