Mass vaccination program ng PRC kontra tigdas, sinimulan sa Maynila
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC), sa pangunguna ng chairman nito na si Senador Richard Gordon, ang pagdaraos ng mass vaccination drive kontra sa tigdas.

Sa Maynila unang nagsagawa nang pagbabakuna ang PRC dahil ayon kay Gordon, ang lungsod ang itinuturing na ‘hotspot’ ng outbreak.

Nabatid na sa Corazon Aquino Health Center sa Tondo isinagawa ang pagbabakuna sa mga batang anim na buwang gulang hanggang limang taong gulang lamang.

Ayon kay Gordon, plano nilang gawin na rin ito ng regular upang makaagapay sa pagbabakuna, lalo na at malaki aniya ang immunization gap na kailangang habulin.

Bukod dito, may 12 health teams na rin ng PRC, na binubuo ng volunteer doctors, nurses, health worker, recorder, logistics assistant, community mobilize, at mga estudyante, ang nagbabahay-bahay upang magbakuna, upang maging mas epektibo ang kampanya laban sa tigdas.

Nanawagan rin naman si Gordon sa iba’t ibang organisasyon sa bansa, pribado man o pampubliko, na magtulung-tulong upang mapigilan ang pagkalat pa ng sakit.

“Una kaming nag-mass vaccination dito sa Manila dahil ito ang hotspot ng outbreak. Maganda na nagtutulong ang iba’t ibang organization para malabanan ang pagkalat ng naturang sakit.

PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with