^

Metro

Karambola ng 4 na sasakyan, nagdulot ng matinding trapik

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdulot ng matinding trapik sa mga motorista ang karambola ng apat na sasakyan kahapon ng hapon sa Makati hanggang Quezon City.

Ayon sa twitter ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang insidente alas-2:39 ng hapon sa Southbound lane ng EDSA-Buendia ng naturang lungsod.

Naaksidente ang apat na sasakyan na kinabibilangan ng isang P2P bus, isang van at dalawang SUV, na nauwi sa karambola ng mga ito.

Halos sinakop ng mga ito ang tatlong lanes, na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga motoristang bumabagtas sa Southbound lane ng EDSA kung saan umabot hanggang Timog sa Quezon City ang masikip na trapik na naging kalbaryo ng  maraming motorista at commuters.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT EDSA-BUENDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with