^

Metro

Sa banat kay Joy B: ‘Fake news yan!’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Sa banat kay Joy B: �Fake news yan!�
“And the FAKE NEWS begins. I have all the evidence to show your story is a complete fabrication and I smell dirty political tactics in the air, as perpetuated by my desperate opponents. Alam kasi nila malinis akong maglaro pero di nila akalain matapang at palaban ako kapag ako ay nasa tama’, pahayag ni Belmonte.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Fake news at walang katotohanan ang bintang kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na siya ay nagpasa ng resolusyon para sa kanyang mga kapatid na may kinalaman sa isang lupain sa Brgy. Sacred Heart Quezon City.

Sa panayam, sinabi ni Belmonte na pawang kasinungalingan lamang ang lumabas na report   sa isang tabloid newspaper para siya ay siraan.

 “And the FAKE NEWS begins. I have all the evidence to show your story is a complete fabrication and I smell dirty political tactics in the air, as perpetuated by my desperate opponents. Alam kasi nila malinis akong maglaro pero di nila akalain matapang at palaban ako kapag ako ay nasa tama’, pahayag ni Belmonte.

Nanawagan din si Belmonte sa mga alagad ng media na isulat lamang ang mga totoong balita at huwag pagagamit sa sinuman .

Anya, sinasabing ang naaprubahang  resolusyon #7685 na iniakda ni QC Councilor Marvin Rillo ay napagtibay ng Konseho noong ang presiding officer ay si 1st Majority Floor Leader Alexis Herrera  at  wala anya siyang kinalaman sa lupang sinasabi sa ulat.

“Wag kasing magpa­gamit. Kayo rin ang talo” sabi pa ni Belmonte.

Ang tinutukoy na kaso sa report ay ibinasura na  ng QC prosecutor’s office noong nakaraang taon dahil sa walang sapat na basehan.

Dahil dito sinabi ni Belmonte na  takda niyang magsampa ng libel case sa pahayagang Saksi  at ang writer na sumulat na si Joel Amongo sa susunod na linggo  dahil sa mga maling balita. 

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with