^

Metro

QCPD Valentine drug- bust: P2.3-M shabu nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P2.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD), habang tatlo namang hinihinalang notoryus na ‘tulak’  ang nasakote sa isinagawang follow-up operation sa Los Baños, Laguna nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga nasakoteng suspek na sina Shoib Sampal alyas Tikboy, 35 anyos, live in partner nitong si Rossette Dimas alyas Seth, 39, negosyante; mga residente ng Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna at Violeta Espina, 31, ng Tondo, Manila.

Sinabi ni Esquivel na ang isinagawang buy-bust operation ay bahagi ng follow-up sa naunang anti-drug operation ng Police Station 4 noong  Pebrero 13, 2019 sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City kung saan nasa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000 ang nakumpiska habang apat namang suspect ang natimbog.

Itinuro naman ng mga suspect ang kanilang source na si alyas Tikboy at alyas Seth kaya agad na ikinasa ng QCPD operatives sa pakikipagtulungan sa Laguna Police ang follow-up operations na nag­resulta sa pagkakaaresto sa mga suspect.

Bandang alas-9:30 ng gabi nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng QCPD PS 4 at Los Baños Police Station  ang drug den ng mga suspect sa Unit 2, Block 5, Villa Armanda Residences sa Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna .

Nakumpiska sa operasyon ang 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga  ng P2.3-M shabu, limang cellular phones at kulay abong Toyota Fortuner.

vuukle comment

JOSELITO ESQUIVEL JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with