^

Metro

Manikurista, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manikurista, itinumba

MANILA, Philippines — Patay ang isang 55-anyos na manikurista makaraang pagbabarilin nang malapitan ng isang hindi pa nakilalang lalaki sa tapat ng kanyang bahay sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Carina Agustin, nakatira sa Pantalan 1, Brgy. Tangos South, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, ala-1 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril. Nakatayo ang biktima sa isang eskinita malapit sa kanyang bahay nang duma­ting ang salarin at walang sabi-sabing pagbabarilin siya saka mabilis na tumakas.

Sa panayam sa mister ng biktima na si Ronilo Domingo, 61, isang mangingisda, wala siyang alam na motibo kung bakit papatayin ang kanyang misis habang wala rin siyang kilalang kaaway nito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with