^

Metro

Pinansiyal na kakayahan ng Parañaque, umangat

Pilipino Star Ngayon
Pinansiyal na kakayahan ng Parañaque, umangat
“Nakabayad ang pamahalang lungsod nitong taon ng bilyong pisong utang at loans sa mga bangko ng dating administrasyon dahil sa kanilang kasipagan at pag-introduce ng mga bagong programa para makabayad ng madali at walang hussle ang mga taxpayers,” ayos sa alkalde.
facebook

MANILA, Philippines — Tatlong department head ng Parañaque City government ang pinuri ni Mayor Edwin Olivarez sa kanilang magandang performance nitong nakalipas na dalawang taon para umangat ang pinansiyal na kakayahan ng lungsod.

 Sa kanyang ika-amin na State of the City Address, pinasalamatan ni Olivarez sina City Treasurer Dr. Anthony Pulmano, Business Permit and Licensing Office chief lawyer Melanie Malaya at City Building Office chief Architect Elmor Vita sa kanilang malasakit para umangat ang lungsod at ma­bigyan ng magandang serbisyo ang mga residente.

 “Nakabayad ang pamahalang lungsod nitong taon ng bilyong pisong utang at loans sa mga bangko ng dating administrasyon dahil sa kanilang kasipagan at pag-introduce ng mga bagong programa para makabayad ng madali at walang hussle ang mga taxpayers,” ayos sa alkalde.

 Dahil sa agresibong revenue strategies na ipinatupad ni Pulmano, ang pamahalaang lungsod ngayon ay hindi umaasa sa internal revenue allotment at sa katunayan ay may 84 na porsiyento ang kinita ng lungsod mula sa tinatawag na locally generated income.

 Inilunsad naman ni Malaya ang “Project Express Lane Operation” o Project ELO, isang bagong sistema o isang business one-stop shop para mapabilis ang pagbayad at makuha ng mabilis ang business permit.

 Dahil sa bagong proyekto ng BPLO at sa programang na maging business-friend ang Parañaque, nadoble ang koleksyon ng business taxes at fees nitong January kumpara sa parehong buwan noong isang taon.

Samantala, ang Office of the City Building naman ay nakakolekta ng P77 million noong 2017, at umakyat ito sa P106.9 milyon o halos P30 million karagdagan dahil dumami ang aplikante sa building permit at iba pang serbisyo ng naturang tanggapan.

vuukle comment

EDWIN OLIVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with