Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Guillermo Eleazar ang nasakoteng suspect na si Abdurahman Mataud Dayung, alyas Biznar Sala­budin.
Boy Santos
Most wanted na Abu Sayyaf, tiklo sa Ermita
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

Dawit sa kidnapping at pambobomba

MANILA, Philippines —  Naaresto ng pinagsa­nib na pwersa ng pulisya at militar ang isang most wanted na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa kidnapping ng 15 em­pleyado ng Golden Harvest Plantation noong 2001 sa Basilan at pambobomba sa Kidapawan City noong 2002 sa isinagawang follow-up operation sa Ermita, Manila, ayon sa opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Guillermo Eleazar ang nasakoteng suspect na si Abdurahman Mataud Dayung, alyas Biznar Sala­budin.

Alas-9:45 ng umaga kamakalawa, ayon kay Elea­zar nang masakote ang suspect sa pinagtaguan nito sa M.H. del Pilar Street corner Padre Faura, Ermita, Manila.

Ang suspect ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Jay Principe ng Basilan Regional Trial Court, 9th Judical Region, Branch 1, Isabela City, Basilan noong Enero 8, 2008.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad matapos na makatanggap ng intelligence report na nagtatago sa lugar ang nasabing suspect.

Sa tala, sinabi ni Elea­zar na ang suspek ay mula sa grupo ni dating Abu Sayyaf Commander Isnilon Hapilon na sangkot sa pagbihag sa 15 empleyado ng Golden Harvest Plantation sa Brgy. Tairan, Lantawan, Basilan noong Hunyo 11, 2001.

Bukod dito, sangkot din si Daiyung sa Kidapawan City bus terminal bombing noong Oktubre 10, 2002 na nagresulta sa pagkamatay ng pito katao habang 24 pa ang nasugatan.

Ayon pa kay Eleazar, may mga namomonitor na presensya at sympathizers ng Abu Sayyaf sa Metro Manila na bagaman walang direktang banta ay nakaalerto ang NCRPO cops upang hindi magtagumpay kung mayroong binabalak na masama ang teroristang grupo.

ABDURAHMAN MATAUD DAYUNG ABU SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with