Brgy. chairman, patay sa ambush
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng  riding in tandem habang nakatayo sa harapan ng barangay hall sa panulukan ng Hermosa at Pilar St. sa Tondo, Maynila.

Dead-on-Arrival sa ospital ng Tondo, ang biktimang si Marcelino Ortega, 42 at chairman ng Barangay 199, Zone 18 dahil sa tama ng bala sa ulo at dibdib.

Ayon sa imbestigasyon ni  SPO2 Joseph Kabigting ng Manila Police District-homicide section(MPD-hs), dakong alas-2:58 ng hapon nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Nasa harap umano  ng barangay hall ang biktima nang biglang dumating ang suspek na  tandem at kaagad itong binaril.

Inaalam pa kung may kinalaman sa illegal na droga o sa kanyang trabaho bilang Punong Barangay ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with