5 pulis-Pasay sinibak sa pwesto, dahil sa ‘palpak’ na payo
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang pulis kabilang ang kanilang commander ang sinibak sa pwesto  matapos umanong payuhan ng mga ito ang mga magulang ng tatlong estudyante na minolestiya ng isang Chinese national na nadakip nila,  na aregluhin na lamang umano ang kaso.

Agad na ipinag-utos ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang pagsibak kina Chief Inspector  Remedios Terte,  commander ng Police Community Precinct (PCP) 1 ng  Pasay City Police na si Chief Inspector Remedios Terte; mga tauhan nito na sina  SPO3 Timothy Mengote; SPO2 Jonathan Bayot; PO3s Archie Rodriguez at Ranier Dumanacal.

Nabatid na noong Huwebes, alas-11:00 ng gabi  ay dinakip ng naturang mga pulis ang suspect na Chinese  na si Zhang Yang, 19, sa loob ng Dungeon Horror House, ng amusement park na nasa CCP Complex ng nabanggit na lungsod.

Ito’y matapos silang makatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y pangmomolestiya nito sa tatlong kababaihang estudyante na nasa 18-anyos ang mga edad.

Nang dalhin ang nabanggit na suspect sa himpilan ng PCP 1, pinayuhan umano ng mga pulis ang mga ina ng mga biktima, na makipag-areglo na lamang ang mga ito sa suspect.

Gayunpaman ay hindi pumayag ang mga biktima at mga magulang nito hanggang sa tuluyang sampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ang nabanggit na dayuhan sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Nagsumbong naman ang mga magulang ng mga biktima sa tanggapan ni General Eleazar hinggil sa naging payo sa kanila ng mga pulis kung kaya’t sinibak sila sa pwesto.

CHINESE NATIONAL GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with