Ang suspek na dinakip alas 4:20 ng hapon nitong Sabado ay itinago sa pangalang “Tatang,” upang protektahan ang pagkakakilanlan sa biktimang 15-anyos, pawang nakatira sa Brgy. 100 ng District 1, Tondo, ng naturang lungsod.
Ama ginawang sex slave ang anak, kalaboso
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang 51-anyos na ama matapos ireklamo ng misis na umano’y ginawa nitong sex slave ang kanilang menor-de-edad na anak sa loob ng halos tatlong taon sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Ang suspek na dinakip alas 4:20 ng hapon nitong Sabado ay itinago sa pangalang “Tatang,” upang protektahan ang pagkakakilanlan sa biktimang 15-anyos, pawang nakatira sa Brgy. 100 ng District 1, Tondo, ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Supt. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Manila Police District-Station1, naaktuhan ng nakatatandang kapatid na babae ang ginawang panghahalay ng kanilang ama sa biktima kaya agad na nagtungo sa ina at isinumbong ang pangyayari .

 Nagsuplong naman sa MPD-Station 1 ang ina at biktima dahilan upang agad magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ni Magdaluyo at nabitbit naman ang suspek.

Nabatid na taong 2013 pa umano hiwalay ang mga magulang ng biktima at sa ama na tumira ang mga anak.

Ayon sa biktima, nasa tatlong taon na siyang ginagahasa ng ama sa tuwing nalalasing at halos inaaraw-araw siyang pagparausan na hindi naman umano makapalag dahil sa mga pagbabanta na papatayin kapag nagsumbong.

ARRESTED SEX SLAVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with