^

Metro

‘Lover na pusher’ huli sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Lover na pusher� huli sa droga

MANILA, Philippines — Huli ng mga awtoridad ang mag-lover na sinasa­bing kapwa ‘tulak’ ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Annapolis Street, Cubao, Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Nerisa Grace Barretto, 24 at live-in partner nito na si Romel Casaljay, 23, tricycle driver na kapwa residente ng Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Ayon kay P/Supt. Giovanni Hycenth, hepe ng  Quezon City Police District (QCPD) Station 7, modus ng dalawa ang kunwaring pamamasada ng tricycle pero nagbabagsak pala ng droga sa kanilang mga kostumer.

Isang pulis ang positibong nakabili ng P500 halaga ng shabu sa mag-live- in noong sila ay arestuhin at nabawi sa kanila ng 14 na plastic sachet na nagla-laman ng bawal na gamot na nagkakahalaga ng P30,000.

“Ang modus operandi nitong mag-asawa na ito ay sasakay sa tricycle, kunwari namamasada at ibabagsak ‘yung kanilang ilegal na droga doon sa kanilang customers,” ayon pa kay Hycenth.

Sa rekord ng pulisya, nabatid na kabilang si Casaljay sa drug watchlist at nauna nang naaresto ang kapatid nito noong nakaraang linggo.

Si Barretto naman ang itinuro ng kapatid ni Casaljay na pinagkunan niya ng droga.

 Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong drug pushing habang  sila ay nakakulong sa QCPD station 7 detention cell.

vuukle comment

DRUG PUSHER

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with