^

Metro

Motorsiklo salpok sa kotse: Rider dedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo salpok  sa kotse: Rider dedo

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang motorcycle rider makaraang su­­malpok siya sa gilid ng isang kotse na papaliko sa isang kalsada sa Malabon City, kahapon matapos mag­ha­tinggabi.

Naisugod pa sa Manila Central University Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Arshian de Belen, 29,  parking attendant, ng  Manunguit, Tondo, Maynila.

Sumuko naman ang suspek na si Earl Joseph Domi­ngo, 22, isang account specialist at nakatira naman sa   Brgy. Balangkas, Valenzuela City.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling araw sa panulukan ng MacArthur Highway at Del Monte Avenue sa Brgy. Potrero, ng naturang lungsod.

Ayon kay Domingo, binabagtas niya ang northbound lane ng MacArthur Highway sakay ng kanyang Toyota Vios at pakaliwa sa Del Monte Avenue nang biglang sumalpok sa may pintuan ng kanang bahagi ng kanyang behikulo ang isang motorsiklo na minamaneho ng biktima.

Tumilapon ang rider na si De Belen sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng sari-saring pinsala sa katawan.  Agad siyang nasaklolohan ng nakaalertong Malabon Rescue Unit at naisugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with