^

Metro

‘Tulak’ pumalag sa buy-bust, todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� pumalag sa buy-bust, todas
Ang napatay na suspek ay nakilalang si Chris Baba, ng Cotabato St., Brgy. Alicia, Quezon City.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Patay ang isang sinasabing ‘tulak’ ng droga makaraang manlaban sa mga awtoridad na nagsagawa ng buy-bust ope­ration laban sa kanya sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang napatay na suspek ay nakilalang si Chris Baba, ng Cotabato St., Brgy. Alicia, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO1 John Paul Legion, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-8:45 ng gabi sa Cotabato St., Quezon City.

Ayon sa report, matagal nang minamanmanan  ang suspek dahil sa kanyang pagtutulak ng droga kaya isinagawa ang buy- bust operation laban sa kanya.

Isang pulis ang nagkunwaring bibili ng shabu na aabot sa halagang P50,000 pero natunugan ng suspek na alagad ng batas ang  kanyang ka-transaksyon, kaya binunot nito ang kanyang baril at pinaputukan ang mga pulis na nagkataon namang nakasuot ng bullet-proof vest.

Gumanti ng putok ang iba pang mga pulis na noon ay nakapalibot na sa lugar na agad na ikinasawi ng suspek. Nakuha sa suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng droga na may may bigat na 25 grams na nagkakahalaga ng P300,000, isang kalibre .45 baril na may limang bala, P50,000 boodle money, cellphone at motorsiklo.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPE­RATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with