Business at realty taxes payment na walang penalty, pinalawig sa Makati
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalawig ng pamahalaang lungsod ng Makati ang pagbabayad ng business at realty taxes na walang penalty.

Ang hakbangin ng pamahalaang lungsod ay  alinsunod sa naaprubahang City Ordinance No. 2019-004.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang bagong deadline para sa assessment ng business permits nang walang penalty ay sa Enero 25.

Habang hanggang alas-5:00 naman ng hapon ng Enero 31 ang deadline sa pagbabayad ng business at realty taxes nang wala ring  penalty.

Kung kaya’ hinikayat ng alkalde ang mga taxpayers na bigyang prayoridad ang pagbabayad ng buwis at pagpapa-renew ng business permit upang maiwasan ang penalty at makakuha ng diskwento ang mga ito.

Nabatid, na alinsunod sa Revenue Code ng lungsod, ang mga late payment ay pinapatawan ng 25 percent surcharge at two percent interest kada buwan hanggang sa araw na mabayaran ito nang buo. 

Kung kaya’t inatasan ni Binay ang mga authorized frontline offices,  na maglaan ng karagdagang oras ng serbisyo para sa mga magre-renew ng permit at magbabayad ng buwis hanggang Enero 31 ng taong kasalukuyan.

ABBY BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with