Precinct commander at tauhan, tiklo sa kotong
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Naaresto ng pinagsanib na  mga operatiba ng PNP-Couter Intelligence Task Force (PNP-CITF) at  ng PNP-Intelligence Group (PNP-IG) ang precinct commander at isa nitong tauhan matapos ireklamo ng pango­ngotong ng isang ginang sa  isinagawang entrapment operation sa lungsod ng Taguig, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP-CITF Commander P/ Sr. Supt. Romeo Caramat Jr.,  ang inaresto na si Chief Inspector Paul Bryan Torres, Commander ng Precinct 6 ng Taguig City Police Station.

 Bandang alas-8:30 ng gabi nang dakpin ito ng PNP-CITF at PNP-IG kasama ang tauhan na si PO1 Ariel Internal sa entrapment operation sa Presinto 6 sa lungsod.

Nabatid na nakipagkoordinasyon ang PNP-IG at PNP-CITF kay Southern Police District (SPD) Director P/Chief Supt. Eliseo Cruz laban sa umano’y nabistong illegal na aktibidades o pango­ngotong ni Torres at ng isa nitong tauhan.

Ayon kay Caramat, ang nasabing opisyal ay inirek­lamo ng isang Rochelle Calle ng Brgy. Ususan, Taguig City  na hinihingan ng P100,000 ng nasabing opisyal matapos na masakote ang anak ng ginang na si Raven Calle sa anti-drug ope­ratives ng nasabing police station sa pagtutulak ng droga upang umano’y mapababa ang kaso nito at mapalaya.

Ang nasabing demand ay naibaba sa P59,000  matapos ang masusing negosasyon sa pagitan nina Torres at Calle.

Sinabi ng opisyal na ina­resto ang mga suspek habang iniaabot ang nasabing halaga sa undercover agent ng PNP-IG at PNP-CITF. Isinailalim na sa kustodya ng PNP-CITF ang mga nasakoteng tiwaling parak  na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with