Ang dalawang suspect na nasamsaman ng mga baril at mga kagamitang pinaniniwalaang gamit sa pagkidnap kahapon sa Makati City. Maging ang dala nilang sasakyan ay sinisiyasat din. Pinaniniwalaang dawit ang mga ito sa mga nagaganap na pagkidnap sa mga Koreano sa paligid ng casino.
(Kuha ni Miguel De Guzman)
2 kelot timbog sa mga baril
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

Iniimbestigahan sa mga kaso ng kidnap

MANILA, Philippines — Nasakote ng pulisya ang dalawang  lalaking nagpakilala bilang mga driver nang pinaparentahan umanong sasakyan matapos makum­piskahan ang mga ito ng mga  baril at kahina-hinalang mga kagamitan na  pinaniniwalaang ginagamit sa pagdukot,  kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Nakilala ang mga suspect na sina Rio Senapilo, 39,   at Joseph Manalili, 38, ng Taguig City.

Nasamsam sa mga ito  ang 9mm na baril, mga bala, isang kalibre .45 pistol re­plica, isang Samsung mobile phone, isang kulay itim na bonnet, 1 camouflage jacket, 1 pares na guwantes, 1 wangwang, 1 duct tape, 1 scotch tape, 3 magkakaibang temporary conduction plate at assorted na mga dokumento.

Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Rogelio Simon, alas-2:30  kahapon ng madaling araw nang madakip ang mga suspect sa Calle Estacion, Brgy. Pio Del Pilar Makati City ng nabanggit na lungsod.

Nagbunsod ito sa natanggap na impormasyon ng pulisya mula sa isang concerned citizen patungkol sa pag-aligid ng dalawang armadong kalalakihan sa nabanggit na lugar.

Nang respondehan ng mga pulis ang lugar ay dito nga  nila namataan ang mga suspect na nagtatago sa kulay silver na SUV (Foton Toplander 4x2), na ang conduction sticker ay GB-8685, subalit iba ang nakalagay na temporary plate number A5-X686.

Nang puntahan ng mga pulis ay kaagad na nagpulasan ang mga suspect,  ngunit nahuli rin ang mga ito. Nakita ng mga pulis ang naturang mga armas na nakatago sa gilid ng mga sasakyang nakaparada doon.

Depensa ng dalawang lalaki, driver umano sila para sa isang Koreanong nagngangalang Tiger Woo, na hinahatid umano nila mula Clark papuntang Maynila.

Iniwan umano sila sa lugar ni Woo na umalis dala ang ibang sasakyan at  pinahawak aniya sila ng baril bilang pang-depensa.

Nakita rin sa loob ng SUV ang nasabing kahina-hinalang mga kagamitan na ginagamit sa pagdukot.

Inaalam ng pulisya kung sangkot ang dalawang salarin sa kaso ng pandurukot sa mga banyaga sa Pasay City. 

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with