2 lasog sa pag-araro ng van
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang motorcycle rider at driver  ng isang pampasaherong jeep makaraang mabundol at araruhin sila ng isang van na nawalan umano ng kontrol, kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Mike Martines, 22, at Felix Esperanzate, 48.

Hawak naman ngayon ng pulisya ang suspek at driver ng Toyota Hi-Ace van na si Wiliam Abelta, 40 .

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa may Brgy. 181 Pangarap Village dakong alas-11:40 ng gabi.

Nabatid na nagpapagawa ng kanyang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kalsada si Martines habang nagpapalit ng gulong ng kanyang ipinapasadang jeep si Esperanzate nang biglang sumulpot ang rumaragasang Hi-Ace van. Hindi na nakaiwas ang dalawang biktima nang kapwa sila mabundol maging ang kanilang mga sasakyan ng van at makaladkad na dahilan ng kanilang pagkasawi.

Isinasailalim na sa imbestigasyon ang suspek na si Abelta na idinahilan na biglang nagloko umano ang preno ng kanyang sasakyan kaya hindi niya ito nakontrol. 

MOTORCYCLE RIDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with