Obrero utas sa utol
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang construction worker nang saksakin ng kanyang kapatid na may sakit sa pag-iisip   sa  Parañaque, kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Ospital ng Parañaque sanhi ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Jonathan dela Vega, 28, habang ang suspect na kapatid nitong si Orlando, ay nasa custody naman  ng pulisya.

Sa report ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa tinitirhan ng magkapatid na Dela Vega sa Purok 7, Morales Compound, Brgy. Moonwalk ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na habang nakikipag-inuman ang biktima sa ilang katropa ay biglang dumating ang kapatid nitong si Orlando at walang sabi-sabing pinagsaksak ang una.

Dinakip naman ng mga pulis ang kapatid nitong si Orlando, na ayon sa kanilang ina ay may sakit sa pag-iisip.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with