^

Metro

Sekyu inatado ng saksak, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sekyu inatado ng saksak, patay

Ibinalik sa lungga ng kaaway

MANILA, Philippines — Natagpuang wala nang buhay  ang isang 27-anyos na guwardiya na pinaniniwalaang pinatay upang matangayan ng kaniyang service firearm, cell phone at hand-held radio habang naka-duty sa isang establisyemento sa San Marcelino St., Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO2 Marlon Dee ng Manila Police  District-Homicide Section, alas-6:45 ng umaga kahapon nang madiskubreng patay na si Nestor Chiao Y Servandil. 27, stay-in security guard sa major Home Space sa San Marcelino St., Ermita at residente ng Roma San Joaquin, Iloilo City.

Papalitan sana ng karel­yebong si Dandreb Pascua ang biktima nang  makitang duguang nakabulagta sa kaniyang sementadong ground floor ng gusaling binabantayan.

Hindi na rin nakita ni Pascua ang kalibre 9 mm na service firearm na dapat umanong i-turn over sa kaniya ng biktima at ang hand-held radio.

Napansin din na wala na ang cell phone ng biktima na hinihinalang tinangay rin ng salarin.

Nakita pa sa logbook na nakapag-rekord  pa ang biktima kaya posibleng madaling araw na naganap ang pamamaslang.

Ayon pa kay Pascua, alas-7:07 nitong Sabado ng gabi nang iwanan niya ang duty sa biktima.

Agad na ipinaalam sa nakasasakop ng MPD-Station 5 ang insidente.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO, nakitaan ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, posibleng silipin pa ang isang anggulo bukod sa robbery with homicide matapos lumutang ang kapatid ng biktima na may iba siyang hinala sa pagkamatay ng kapatid.

Sinabi ni Johnger Chiao na ang kaniyang kapatid ay dati nang may nakaaway sa nasabing gusali matapos sitahin sa pagnanakaw noong nakalipas na Oktubre.

Nang mangyari umano iyon ay ipinalipat na ng management sa isa pang establisyemento sa Que­zon City.

 “Hinugot lang siya dahil walang magbabantay nung building kagabi. Nagtataka kami kung bakit siya binalik doon, eh may nakaaway na nga siya dati doon,” ayon sa kapatid ng biktima.

Pansamantalang inilagak ang labi ng biktima sa Archangel Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsy.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with