Iprinisinta ni NCRPO Director Guillermo Eleazar kasama si NPD district director Chief Supt. Rolando Anduyan ang mga nasamsam na mga baril at bala sa isinagawang pagsalakay sa bahay ng isang Chinese sa Malabon kahapon.
Kuha ni Boy Santos
Bahay ng Chinese ni-raid: mga baril, bulto ng bala nasamsam
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 24 na iba’t ibang matataas na kalibre ng baril at mga bala ang nakumpis-ka ng mga tauhan ng Malabon City Police sa ikinasang operasyon sa loob ng bahay ng isang Filipino-Chinese, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Dakong alas-10:30 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng Malabon Police Station Investigation Branch ang bahay ng suspek na si Ivan Ong Lee sa Sampaguita St., Araneta Village sa Brgy. Potrero, ng naturang lungsod.

Armado ang mga pulis ng search warrant na inisyu ni Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada ng Malabon Regional Trial Court ngunit hindi na inabutan ang suspek na si Lee. Dito nadiskubre ng mga operatiba ang apat na unit ng shotgun, 18 piraso ng kalibre .38 baril, dalawang kalibre .22 baril, at iba’t ibang uri ng baril.

Ayon kay National Capital Regional Police Office chief, P/Director Guillermo Eleazar na nagtungo sa lugar, ang implementasyon ng search warrant ay resulta ng ginawa nila noong nakaraang taon na “Oplan Katok” sa mga gun owners na may expired na mga lisensya ng baril na hinihikayat nilang mag-renew.

Kabilang umano si Lee sa mga hindi nagsuko ng kanyang mga baril dahilan ng naturang pagsalakay makaraang makatanggap rin ng sumbong buhat sa concerned citizen.  May ulat na para sana sa isang security agency ang naturang mga armas na hindi natuloy. Nanawagan naman si Eleazar sa ibang gun owners na expired ang lisensya at rehistro na mag-renew na o isuko ang kanilang baril.  Ginagawa umano ito ng PNP upang hindi magamit ang mga armas sa karahasan lalo na at paparating na ang halalan sa Mayo.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with